36Mula sa Ezion-geber, nagkampo sila sa Kades, sa disyerto ng Zin.
37Mula sa Kades, nagkampo sila sa Bundok ng Hor, sa hangganan ng lupain ng Edom.
38Sa utos ng Panginoon, umakyat ang paring si Aaron sa Bundok ng Hor at doon siya namatay noong unang araw ng ikalimang buwan ng ika-apatnapung taon mula nang lumabas sa Ehipto ang mga Israelita.
39Si Aaron ay 123 taóng gulang noong namatay siya sa Bundok ng Hor.
40Ngayon, ang hari ng Canaan na si Arad na naninirahan sa Negeb ay nakabalita na paparating ang mga mamamayan ng Israel.