Mga Bilang 35

pumili sila ng mga bayan na magiging lungsod na tanggulan kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya.

Numbers 35:11 (UKJV) Then all of you shall appoint you cities to be cities of refuge for you; that the slayer may flee thither, which kills any person at unexpectedly.

9Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,

10“Sabihin mo sa mga Israelita na kapag tumawid na sila sa Jordan papunta sa Canaan,

11pumili sila ng mga bayan na magiging lungsod na tanggulan kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya.

12Mapoprotektahan siya ng lungsod na ito laban sa mga taong gustong gumanti sa kanya. Hindi siya dapat patayin hanggaʼt hindi pa siya nahahatulan sa harap ng kapulungan.

13Ang anim na bayan na ito ang magiging lungsod ninyong tanggulan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.