Mga Bilang 35

Ang anim na bayan na ito ang magiging lungsod ninyong tanggulan.

Numbers 35:13 (UKJV) And of these cities which all of you shall give six cities shall all of you have for refuge.

11pumili sila ng mga bayan na magiging lungsod na tanggulan kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya.

12Mapoprotektahan siya ng lungsod na ito laban sa mga taong gustong gumanti sa kanya. Hindi siya dapat patayin hanggaʼt hindi pa siya nahahatulan sa harap ng kapulungan.

13Ang anim na bayan na ito ang magiging lungsod ninyong tanggulan.

14Ilagay ninyo sa silangan ng Jordan ang tatlong lungsod at tatlo sa Canaan.

15Ang anim na bayan na ito ay magiging tanggulan hindi lang ng mga Israelita kundi pati ng mga dayuhan na naninirahan kasama ninyo para ang sinuman sa kanila na makapatay nang hindi sinasadya ay makakatakas papunta dito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.