Mga Bilang 4

Isama mo sa bilang ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.

Numbers 4:30 (UKJV) From thirty years old and upward even unto fifty years old shall you number them, every one that enters into the service, to do the work of the tabernacle of the congregation.

28Iyon ang mga gawain ng mga angkan ni Gerson sa Toldang Tipanan. Pangungunahan sila ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”

29“Bilangin mo rin ang mga angkan ni Merari ayon sa kanilang pamilya.

30Isama mo sa bilang ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.

31Ito ang kanilang mga gawain sa Toldang Tipanan: Sila ang magdadala ng mga balangkas ng Tolda, mga biga nito, mga haligi at ng mga pundasyon.

32Sila rin ang naatasan sa pag-aasikaso ng mga haliging pinagkakabitan ng mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda pati ng mga pundasyon, mga tulos at mga tali. At sila rin ang gagawa ng mga gawaing kaugnay sa mga kagamitang ito. Kayo ni Aaron ang magsasabi sa bawat isa sa kanila kung ano ang kanilang dadalhin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.