19at pasusumpain niya ang babae at sasabihin sa kanya, ‘Kung hindi mo dinungisan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki, hindi ka masasaktan ng parusang dala ng tubig na ito.
20Ngunit kung dinungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki na hindi mo asawa,
21sumusumpa akong magiging halimbawa sa mga tao ang sumpa ng Panginoon sa iyo. At sanaʼy hindi ka magkaanak.
22Nawaʼy magdala ang tubig ng sumpa at pumasok sa iyong katawan para hindi ka na magkaanak.’ “Pagkatapos, sasabihin ng babae, ‘Mangyari sana ito.’
23“At isusulat ng pari ang sumpang ito sa isang sulatan at huhugasan niya ito sa mangkok na may mapait na tubig.