Mga Bilang 5

Nawaʼy magdala ang tubig ng sumpa at pumasok sa iyong katawan para hindi ka na magkaanak.’ “Pagkatapos, sasabihin ng babae, ‘Mangyari sana ito.’

Numbers 5:22 (UKJV) And this water that causes the curse shall go into your bowels, to make your belly to swell, and your thigh to rot: And the woman shall say, Amen, amen.

20Ngunit kung dinungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki na hindi mo asawa,

21sumusumpa akong magiging halimbawa sa mga tao ang sumpa ng Panginoon sa iyo. At sanaʼy hindi ka magkaanak.

22Nawaʼy magdala ang tubig ng sumpa at pumasok sa iyong katawan para hindi ka na magkaanak.’ “Pagkatapos, sasabihin ng babae, ‘Mangyari sana ito.’

23“At isusulat ng pari ang sumpang ito sa isang sulatan at huhugasan niya ito sa mangkok na may mapait na tubig.

24(Kapag napainom na sa babae ang mapait na tubig na nagdadala ng sumpa. At kung may kasalanan siya, magiging dahilan ito ng matinding paghihirap niya, kung talagang nagkasala siya.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.