38Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
39isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
40isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
41dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Selumiel na anak ni Zurishadai.
42Nang ikaanim na araw, si Eliasaf na anak ni Deuel, na pinuno ng lahi ni Gad ang nagdala ng kanyang handog.