8Sasambahin siya ng lahat ng tao sa mundo na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay. Bago pa man likhain ang mundo, ang mga pangalan nila ay hindi nakasulat sa aklat na ito na hawak ng Korderong pinatay.
9Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang mga bagay na ito.
10“Ang sinumang itinakdang bihagin ay magiging bihag. At ang sinumang itinakdang mamatay sa espada ay mamamatay sa espada.” Kaya ang mga hinirang ng Diyos ay kailangang maging matiisin at matatag sa kanilang pananampalataya.
11Pagkatapos, nakita ko ang isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay na katulad ng sa tupa, ngunit parang dragon kung magsalita.
12Pinagsilbihan niya ang unang halimaw at ginamit ang lahat ng kapangyarihan nito. Pinipilit niya ang lahat ng tao sa lupa na sumamba sa unang halimaw na gumaling mula sa nakamamatay na sugat nito.