Pahayag 13

Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang mga bagay na ito.

Revelation 13:9 (UKJV) If any man have an ear, let him hear.

7Pinahintulutan ang halimaw na makipaglaban sa mga hinirang ng Diyos at talunin sila. Binigyan din siya ng karapatang maghari sa bawat angkan, lahi, wika at bansa.

8Sasambahin siya ng lahat ng tao sa mundo na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay. Bago pa man likhain ang mundo, ang mga pangalan nila ay hindi nakasulat sa aklat na ito na hawak ng Korderong pinatay.

9Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang mga bagay na ito.

10“Ang sinumang itinakdang bihagin ay magiging bihag. At ang sinumang itinakdang mamatay sa espada ay mamamatay sa espada.” Kaya ang mga hinirang ng Diyos ay kailangang maging matiisin at matatag sa kanilang pananampalataya.

11Pagkatapos, nakita ko ang isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay na katulad ng sa tupa, ngunit parang dragon kung magsalita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.