2Nakarinig ako ng tunog mula sa langit, na parang lagaslas ng talon o dagundong ng malakas na kulog. Para itong tugtugan ng mga manunugtog ng alpa.
3Ang 144,000 tao ay umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buháy at sa harap ng matatandang pinuno. Walang sinumang matututo ng awit na iyon maliban sa 144,000 na tinubos mula sa mundo.
4Sila ang mga lalaking hindi nadumihan dahil hindi sila sumiping sa mga babae. Sumunod sila sa Kordero kahit saan siya pumunta. Tinubos sila mula sa sangkatauhan upang maging unang handog sa Diyos at sa Kordero.
5Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.
6At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid. Dala niya ang walang kupas na Magandang Balita upang ipangaral sa mga tao sa buong mundo, sa lahat ng bansa, angkan, wika, at lahi.