Pahayag 16

Ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa malawak na ilog ng Eufrates. Natuyo ang ilog upang makadaan doon ang mga hari mula sa silangan.

Revelation 16:12 (UKJV) And the sixth angel poured out his vial upon the great river Euphrates; and the water thereof was dried up, that the way of the kings of the east might be prepared.

10Ibinuhos ng ikalimang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa trono ng halimaw, at nagdilim ang buong kaharian nito. Napakagat-dila ang mga tao dahil sa hirap na dinaranas nila.

11Tumanggi pa rin silang pagsisihan at talikuran ang kanilang kasalanan, at sa halip ay isinumpa nila ang Diyos ng kalangitan dahil sa mga tinitiis nilang sakit at sugat.

12Ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa malawak na ilog ng Eufrates. Natuyo ang ilog upang makadaan doon ang mga hari mula sa silangan.

13At may nakita akong tatlong masasamang espiritu na parang mga palakang lumabas mula sa bibig ng dragon, mula sa bibig ng halimaw, at mula sa bibig ng bulaang propeta.

14Iyon ang mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan. Pumunta sila sa mga hari sa buong mundo upang tipunin sila para sa pakikipaglaban sa Diyos pagdating ng dakilang araw na itinakda ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.