Pahayag 16

Ibinuhos ng ikalimang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa trono ng halimaw, at nagdilim ang buong kaharian nito. Napakagat-dila ang mga tao dahil sa hirap na dinaranas nila.

Revelation 16:10 (UKJV) And the fifth angel poured out his vial upon the seat of the beast; and his kingdom was full of darkness; and they gnawed their tongues for pain,

8Ibinuhos ng ikaapat na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa araw, at pinahintulutan ang araw na pasuin ang mga tao sa apoy nito.

9Napaso nga sila dahil sa matinding init, at nilapastangan nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito. Sa kabila nito, ayaw pa rin nilang magsisi at talikuran ang mga kasalanan nila, at papurihan ang Diyos.

10Ibinuhos ng ikalimang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa trono ng halimaw, at nagdilim ang buong kaharian nito. Napakagat-dila ang mga tao dahil sa hirap na dinaranas nila.

11Tumanggi pa rin silang pagsisihan at talikuran ang kanilang kasalanan, at sa halip ay isinumpa nila ang Diyos ng kalangitan dahil sa mga tinitiis nilang sakit at sugat.

12Ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa malawak na ilog ng Eufrates. Natuyo ang ilog upang makadaan doon ang mga hari mula sa silangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.