Pahayag 16

Ibinuhos ng ikaapat na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa araw, at pinahintulutan ang araw na pasuin ang mga tao sa apoy nito.

Revelation 16:8 (UKJV) And the fourth angel poured out his vial upon the sun; and power was given unto him to scorch men with fire.

6Sapagkat pinadanak nila ang dugo ng mga hinirang at ng inyong mga propeta, kaya dugo rin ang ipapainom ninyo sa kanila. Ito ang nararapat na ganti sa kanila.”

7At narinig kong may sumagot sa altar, “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, tama at matuwid ang inyong hatol sa mga tao!”

8Ibinuhos ng ikaapat na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa araw, at pinahintulutan ang araw na pasuin ang mga tao sa apoy nito.

9Napaso nga sila dahil sa matinding init, at nilapastangan nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito. Sa kabila nito, ayaw pa rin nilang magsisi at talikuran ang mga kasalanan nila, at papurihan ang Diyos.

10Ibinuhos ng ikalimang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa trono ng halimaw, at nagdilim ang buong kaharian nito. Napakagat-dila ang mga tao dahil sa hirap na dinaranas nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.