Pahayag 16

Sapagkat pinadanak nila ang dugo ng mga hinirang at ng inyong mga propeta, kaya dugo rin ang ipapainom ninyo sa kanila. Ito ang nararapat na ganti sa kanila.”

Revelation 16:6 (UKJV) For they have shed the blood of saints and prophets, and you have given them blood to drink; for they are worthy.

4Pagkatapos, ibinuhos ng ikatlong anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa mga ilog at mga bukal, at naging dugo ang lahat ng mga ito.

5Narinig kong sinabi ng anghel na katiwala sa tubig, “Makatarungan po kayo, O Nag-iisang Banal. Kayo ang Diyos noon at kayo rin ang Diyos magpahanggang ngayon. Matuwid at totoo ang inyong mga hatol.

6Sapagkat pinadanak nila ang dugo ng mga hinirang at ng inyong mga propeta, kaya dugo rin ang ipapainom ninyo sa kanila. Ito ang nararapat na ganti sa kanila.”

7At narinig kong may sumagot sa altar, “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, tama at matuwid ang inyong hatol sa mga tao!”

8Ibinuhos ng ikaapat na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa araw, at pinahintulutan ang araw na pasuin ang mga tao sa apoy nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.