3Ibinuhos ng ikalawang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa dagat, at ang dagat ay naging parang dugo ng patay na tao. At namatay ang lahat ng buháy na nilalang sa dagat.
4Pagkatapos, ibinuhos ng ikatlong anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa mga ilog at mga bukal, at naging dugo ang lahat ng mga ito.
5Narinig kong sinabi ng anghel na katiwala sa tubig, “Makatarungan po kayo, O Nag-iisang Banal. Kayo ang Diyos noon at kayo rin ang Diyos magpahanggang ngayon. Matuwid at totoo ang inyong mga hatol.
6Sapagkat pinadanak nila ang dugo ng mga hinirang at ng inyong mga propeta, kaya dugo rin ang ipapainom ninyo sa kanila. Ito ang nararapat na ganti sa kanila.”
7At narinig kong may sumagot sa altar, “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, tama at matuwid ang inyong hatol sa mga tao!”