Pahayag 16

Napaso nga sila dahil sa matinding init, at nilapastangan nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito. Sa kabila nito, ayaw pa rin nilang magsisi at talikuran ang mga kasalanan nila, at papurihan ang Diyos.

Revelation 16:9 (UKJV) And men were scorched with great heat, and blasphemed the name of God, which has power over these plagues: and they repented not to give him glory.

7At narinig kong may sumagot sa altar, “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, tama at matuwid ang inyong hatol sa mga tao!”

8Ibinuhos ng ikaapat na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa araw, at pinahintulutan ang araw na pasuin ang mga tao sa apoy nito.

9Napaso nga sila dahil sa matinding init, at nilapastangan nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito. Sa kabila nito, ayaw pa rin nilang magsisi at talikuran ang mga kasalanan nila, at papurihan ang Diyos.

10Ibinuhos ng ikalimang anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa trono ng halimaw, at nagdilim ang buong kaharian nito. Napakagat-dila ang mga tao dahil sa hirap na dinaranas nila.

11Tumanggi pa rin silang pagsisihan at talikuran ang kanilang kasalanan, at sa halip ay isinumpa nila ang Diyos ng kalangitan dahil sa mga tinitiis nilang sakit at sugat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.