Pahayag 16

Iyon ang mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan. Pumunta sila sa mga hari sa buong mundo upang tipunin sila para sa pakikipaglaban sa Diyos pagdating ng dakilang araw na itinakda ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Revelation 16:14 (UKJV) For they are the spirits of devils, working miracles, which go forth unto the kings of the earth and of the whole world, to gather them to the battle of that great day of God Almighty.

12Ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa malawak na ilog ng Eufrates. Natuyo ang ilog upang makadaan doon ang mga hari mula sa silangan.

13At may nakita akong tatlong masasamang espiritu na parang mga palakang lumabas mula sa bibig ng dragon, mula sa bibig ng halimaw, at mula sa bibig ng bulaang propeta.

14Iyon ang mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan. Pumunta sila sa mga hari sa buong mundo upang tipunin sila para sa pakikipaglaban sa Diyos pagdating ng dakilang araw na itinakda ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

15“Makinig kayong mabuti! Darating akong tulad ng magnanakaw. Mapalad ang taong nagbabantay at hindi naghuhubad ng kanyang damit, para sa pagdating ko ay hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa mga tao.”

16At pagkatapos ay tinipon nila ang mga hari sa isang lugar na kung tawagin ay Armagedon sa wikang Hebreo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.