Pahayag 16

“Makinig kayong mabuti! Darating akong tulad ng magnanakaw. Mapalad ang taong nagbabantay at hindi naghuhubad ng kanyang damit, para sa pagdating ko ay hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa mga tao.”

Revelation 16:15 (UKJV) Behold, I come as a thief. Blessed is he that watches, and keeps his garments, lest he walk naked, and they see his shame.

13At may nakita akong tatlong masasamang espiritu na parang mga palakang lumabas mula sa bibig ng dragon, mula sa bibig ng halimaw, at mula sa bibig ng bulaang propeta.

14Iyon ang mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan. Pumunta sila sa mga hari sa buong mundo upang tipunin sila para sa pakikipaglaban sa Diyos pagdating ng dakilang araw na itinakda ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

15“Makinig kayong mabuti! Darating akong tulad ng magnanakaw. Mapalad ang taong nagbabantay at hindi naghuhubad ng kanyang damit, para sa pagdating ko ay hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa mga tao.”

16At pagkatapos ay tinipon nila ang mga hari sa isang lugar na kung tawagin ay Armagedon sa wikang Hebreo.

17Ibinuhos ng ikapitong anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa hangin. At may narinig akong sumisigaw mula sa trono sa templo, “Naganap na ang lahat!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.