Pahayag 17

Pagkatapos, lumapit sa akin ang isa sa pitong anghel na may sisidlan at sinabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang kaparusahan para sa sikat na babaeng bayaran. Ang babaeng ito ay ang malaking lungsod na matatagpuang malapit sa katubigan.

Revelation 17:1 (UKJV) And there came one of the seven angels which had the seven vials, and talked with me, saying unto me, Come here; I will show unto you the judgment of the great whore that sits upon many waters:

1Pagkatapos, lumapit sa akin ang isa sa pitong anghel na may sisidlan at sinabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang kaparusahan para sa sikat na babaeng bayaran. Ang babaeng ito ay ang malaking lungsod na matatagpuang malapit sa katubigan.

2Nakiapid sa kanya ang mga hari sa mundo, at ang mga tao naman sa mundo ay parang nalasing sa alak ng kanyang kahalayan.”

3Pagkatapos, napuspos ako ng Espiritu at dinala ako ng anghel sa ilang. Nakita ko roon ang isang babaeng nakasakay sa pulang halimaw. Ang halimaw na iyon ay may pitong ulo at sampung sungay. At ang kanyang buong katawan ay puno ng nakasulat na mga pangalang lumalapastangan sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.