Pahayag 18

Pagkatapos nito, nakita ko ang isa pang anghel na bumabâ mula sa langit. Makapangyarihan ang anghel na ito at nagliwanag ang buong mundo dahil sa kanyang kaningningan.

Revelation 18:1 (UKJV) And after these things I saw another angel come down from heaven, having great power; and the earth was lightened with his glory.

1Pagkatapos nito, nakita ko ang isa pang anghel na bumabâ mula sa langit. Makapangyarihan ang anghel na ito at nagliwanag ang buong mundo dahil sa kanyang kaningningan.

2Sumigaw siya nang malakas, “Bumagsak na! Bumagsak na ang Dakilang Babilonia! Ito ngayoʼy lungga na lamang ng mga demonyo at masasamang espiritu. Ito ngayoʼy kulungan na lamang ng mga ibong marurumi at mga hayop na marurumi at kasuklam-suklam.

3Sapagkat ang mga bansaʼy uminom ng alak ng kanyang kahalayan. Ang mga hari sa mundoʼy nakiapid sa kanya. At ang mga mangangalakal namaʼy yumaman sa marangya niyang pamumuhay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.