Pahayag 18

Sapagkat ang mga bansaʼy uminom ng alak ng kanyang kahalayan. Ang mga hari sa mundoʼy nakiapid sa kanya. At ang mga mangangalakal namaʼy yumaman sa marangya niyang pamumuhay.”

Revelation 18:3 (UKJV) For all nations have drunk of the wine of the wrath of her fornication, and the kings of the earth have committed fornication with her, and the merchants of the earth are waxed rich through the abundance of her delicacies.

1Pagkatapos nito, nakita ko ang isa pang anghel na bumabâ mula sa langit. Makapangyarihan ang anghel na ito at nagliwanag ang buong mundo dahil sa kanyang kaningningan.

2Sumigaw siya nang malakas, “Bumagsak na! Bumagsak na ang Dakilang Babilonia! Ito ngayoʼy lungga na lamang ng mga demonyo at masasamang espiritu. Ito ngayoʼy kulungan na lamang ng mga ibong marurumi at mga hayop na marurumi at kasuklam-suklam.

3Sapagkat ang mga bansaʼy uminom ng alak ng kanyang kahalayan. Ang mga hari sa mundoʼy nakiapid sa kanya. At ang mga mangangalakal namaʼy yumaman sa marangya niyang pamumuhay.”

4Pagkatapos, may narinig akong isa pang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Kayong mga mamamayan ko, lumayo kayo sa kanya upang hindi kayo maging bahagi sa ginagawa niyang kasalanan, at upang hindi ninyo danasin ang parusang nakalaan sa kanya.

5Ang bunton ng kanyang kasalanan ay abot hanggang langit. At hindi na palalagpasin ng Diyos ang kanyang kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.