3Sapagkat ang mga bansaʼy uminom ng alak ng kanyang kahalayan. Ang mga hari sa mundoʼy nakiapid sa kanya. At ang mga mangangalakal namaʼy yumaman sa marangya niyang pamumuhay.”
4Pagkatapos, may narinig akong isa pang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Kayong mga mamamayan ko, lumayo kayo sa kanya upang hindi kayo maging bahagi sa ginagawa niyang kasalanan, at upang hindi ninyo danasin ang parusang nakalaan sa kanya.
5Ang bunton ng kanyang kasalanan ay abot hanggang langit. At hindi na palalagpasin ng Diyos ang kanyang kasamaan.
6Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niyang masama sa inyo. Gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa. Kung ano ang ginawa niyang masama sa inyo doblehin ninyo at ibigay sa kanya.
7Kung paanong pinarangalan niya ang kanyang sarili at namuhay sa karangyaan at kalayawan, gantihan ninyo siya ng katumbas na kahirapan at kalungkutan. Sa kanyang puso ay inisip niya, ‘Akoʼy reyna at hindi biyuda, at hindi ako magluluksa.’