5Ang bunton ng kanyang kasalanan ay abot hanggang langit. At hindi na palalagpasin ng Diyos ang kanyang kasamaan.
6Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niyang masama sa inyo. Gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa. Kung ano ang ginawa niyang masama sa inyo doblehin ninyo at ibigay sa kanya.
7Kung paanong pinarangalan niya ang kanyang sarili at namuhay sa karangyaan at kalayawan, gantihan ninyo siya ng katumbas na kahirapan at kalungkutan. Sa kanyang puso ay inisip niya, ‘Akoʼy reyna at hindi biyuda, at hindi ako magluluksa.’
8Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot: mga sakit, pighati, at gutom. Pagkatapos, susunugin siya, sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na nagpaparusa sa kanya.
9“Iiyakan at magdadalamhati ang mga hari sa mundo na nakipagrelasyon sa kanya at nakisama sa kalayawan niya kapag nakita nila ang usok ng kanyang pagkasunog.