7Kung paanong pinarangalan niya ang kanyang sarili at namuhay sa karangyaan at kalayawan, gantihan ninyo siya ng katumbas na kahirapan at kalungkutan. Sa kanyang puso ay inisip niya, ‘Akoʼy reyna at hindi biyuda, at hindi ako magluluksa.’
8Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot: mga sakit, pighati, at gutom. Pagkatapos, susunugin siya, sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na nagpaparusa sa kanya.
9“Iiyakan at magdadalamhati ang mga hari sa mundo na nakipagrelasyon sa kanya at nakisama sa kalayawan niya kapag nakita nila ang usok ng kanyang pagkasunog.
10Tatayo lang sila sa malayo habang magmamasid sapagkat takot silang madamay sa parusa ng lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ang dakilang lungsod, ang makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Ang iyong kapahamakaʼy darating sa loob lamang ng maikling panahon.’
11“Iiyak at magdadalamhati sa kanya ang mga negosyante sa buong mundo dahil wala nang bibili ng mga paninda nila,