Pahayag 18

Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot: mga sakit, pighati, at gutom. Pagkatapos, susunugin siya, sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na nagpaparusa sa kanya.

Revelation 18:8 (UKJV) Therefore shall her plagues come in one day, death, and mourning, and famine; and she shall be utterly burned with fire: for strong is the Lord God who judges her.

6Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niyang masama sa inyo. Gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa. Kung ano ang ginawa niyang masama sa inyo doblehin ninyo at ibigay sa kanya.

7Kung paanong pinarangalan niya ang kanyang sarili at namuhay sa karangyaan at kalayawan, gantihan ninyo siya ng katumbas na kahirapan at kalungkutan. Sa kanyang puso ay inisip niya, ‘Akoʼy reyna at hindi biyuda, at hindi ako magluluksa.’

8Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot: mga sakit, pighati, at gutom. Pagkatapos, susunugin siya, sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na nagpaparusa sa kanya.

9“Iiyakan at magdadalamhati ang mga hari sa mundo na nakipagrelasyon sa kanya at nakisama sa kalayawan niya kapag nakita nila ang usok ng kanyang pagkasunog.

10Tatayo lang sila sa malayo habang magmamasid sapagkat takot silang madamay sa parusa ng lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ang dakilang lungsod, ang makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Ang iyong kapahamakaʼy darating sa loob lamang ng maikling panahon.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.