Pahayag 18

Tatayo lang sila sa malayo habang magmamasid sapagkat takot silang madamay sa parusa ng lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ang dakilang lungsod, ang makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Ang iyong kapahamakaʼy darating sa loob lamang ng maikling panahon.’

Revelation 18:10 (UKJV) Standing far off for the fear of her torment, saying, Alas, alas that great city Babylon, that mighty city! for in one hour is your judgment come.

8Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot: mga sakit, pighati, at gutom. Pagkatapos, susunugin siya, sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na nagpaparusa sa kanya.

9“Iiyakan at magdadalamhati ang mga hari sa mundo na nakipagrelasyon sa kanya at nakisama sa kalayawan niya kapag nakita nila ang usok ng kanyang pagkasunog.

10Tatayo lang sila sa malayo habang magmamasid sapagkat takot silang madamay sa parusa ng lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ang dakilang lungsod, ang makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Ang iyong kapahamakaʼy darating sa loob lamang ng maikling panahon.’

11“Iiyak at magdadalamhati sa kanya ang mga negosyante sa buong mundo dahil wala nang bibili ng mga paninda nila,

12mga panindang ginto, pilak, mamahaling bato, at perlas; mga telang gawa sa pinong lino at seda, at mga telang kulay ube at pula; lahat ng uri ng mababangong kahoy, at mga ibaʼt ibang kagamitang gawa sa pangil ng elepante, mamahaling kahoy, tanso, bakal at marmol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.