Pahayag 18

mga panindang ginto, pilak, mamahaling bato, at perlas; mga telang gawa sa pinong lino at seda, at mga telang kulay ube at pula; lahat ng uri ng mababangong kahoy, at mga ibaʼt ibang kagamitang gawa sa pangil ng elepante, mamahaling kahoy, tanso, bakal at marmol.

Revelation 18:12 (UKJV) The merchandise of gold, and silver, and precious stones, and of pearls, and fine linen, and purple, and silk, and scarlet, and all thyine wood, and all manner vessels of ivory, and all manner vessels of most precious wood, and of brass, and iron, and marble,

10Tatayo lang sila sa malayo habang magmamasid sapagkat takot silang madamay sa parusa ng lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ang dakilang lungsod, ang makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Ang iyong kapahamakaʼy darating sa loob lamang ng maikling panahon.’

11“Iiyak at magdadalamhati sa kanya ang mga negosyante sa buong mundo dahil wala nang bibili ng mga paninda nila,

12mga panindang ginto, pilak, mamahaling bato, at perlas; mga telang gawa sa pinong lino at seda, at mga telang kulay ube at pula; lahat ng uri ng mababangong kahoy, at mga ibaʼt ibang kagamitang gawa sa pangil ng elepante, mamahaling kahoy, tanso, bakal at marmol.

13Wala na ring bibili ng kanilang mga pabango tulad ng sinamon, pampalasa, kamangyan, at mira; mga alak at langis, harina at trigo; mga baka at tupa, kabayo at karwahe; at mga taong ipinagbibili bilang alipin.

14“Sasabihin ng mga negosyante, ‘Nawala na ang lahat ng bagay na hinangad mo na maangkin. Kinuha na sa iyo ang lahat ng kayamanan at ari-ariang ipinagmamalaki mo, at hindi mo na makikitang muli ang mga ito!’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.