Pahayag 18

Wala na ring bibili ng kanilang mga pabango tulad ng sinamon, pampalasa, kamangyan, at mira; mga alak at langis, harina at trigo; mga baka at tupa, kabayo at karwahe; at mga taong ipinagbibili bilang alipin.

Revelation 18:13 (UKJV) And cinnamon, and odours, and ointments, and frankincense, and wine, and oil, and fine flour, and wheat, and beasts, and sheep, and horses, and chariots, and slaves, and souls of men.

11“Iiyak at magdadalamhati sa kanya ang mga negosyante sa buong mundo dahil wala nang bibili ng mga paninda nila,

12mga panindang ginto, pilak, mamahaling bato, at perlas; mga telang gawa sa pinong lino at seda, at mga telang kulay ube at pula; lahat ng uri ng mababangong kahoy, at mga ibaʼt ibang kagamitang gawa sa pangil ng elepante, mamahaling kahoy, tanso, bakal at marmol.

13Wala na ring bibili ng kanilang mga pabango tulad ng sinamon, pampalasa, kamangyan, at mira; mga alak at langis, harina at trigo; mga baka at tupa, kabayo at karwahe; at mga taong ipinagbibili bilang alipin.

14“Sasabihin ng mga negosyante, ‘Nawala na ang lahat ng bagay na hinangad mo na maangkin. Kinuha na sa iyo ang lahat ng kayamanan at ari-ariang ipinagmamalaki mo, at hindi mo na makikitang muli ang mga ito!’

15Ang mga negosyanteng yumaman dahil sa kalakal nila sa lungsod ay tatayo lang sa malayo dahil takot silang madamay sa parusa sa kanya. Iiyak sila at magdadalamhati,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.