Pahayag 18

Ang mga negosyanteng yumaman dahil sa kalakal nila sa lungsod ay tatayo lang sa malayo dahil takot silang madamay sa parusa sa kanya. Iiyak sila at magdadalamhati,

Revelation 18:15 (UKJV) The merchants of these things, which were made rich by her, shall stand far off for the fear of her torment, weeping and wailing,

13Wala na ring bibili ng kanilang mga pabango tulad ng sinamon, pampalasa, kamangyan, at mira; mga alak at langis, harina at trigo; mga baka at tupa, kabayo at karwahe; at mga taong ipinagbibili bilang alipin.

14“Sasabihin ng mga negosyante, ‘Nawala na ang lahat ng bagay na hinangad mo na maangkin. Kinuha na sa iyo ang lahat ng kayamanan at ari-ariang ipinagmamalaki mo, at hindi mo na makikitang muli ang mga ito!’

15Ang mga negosyanteng yumaman dahil sa kalakal nila sa lungsod ay tatayo lang sa malayo dahil takot silang madamay sa parusa sa kanya. Iiyak sila at magdadalamhati,

16at sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ang dakilang lungsod! Dinamitan ka ng telang gawa sa pinong lino, at mga telang kulay ube at pula, at napalamutian ng ginto, mamahaling bato at perlas!

17Ngunit sa loob lamang ng maikling panahon, nawala ang lahat ng kanyang kayamanan!’ “Tatayo lang at magmamasid ang mga kapitan ng barko at ang mga tripulante nila, pati na ang mga pasahero at ang lahat ng mga naghahanapbuhay sa dagat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.