14“Sasabihin ng mga negosyante, ‘Nawala na ang lahat ng bagay na hinangad mo na maangkin. Kinuha na sa iyo ang lahat ng kayamanan at ari-ariang ipinagmamalaki mo, at hindi mo na makikitang muli ang mga ito!’
15Ang mga negosyanteng yumaman dahil sa kalakal nila sa lungsod ay tatayo lang sa malayo dahil takot silang madamay sa parusa sa kanya. Iiyak sila at magdadalamhati,
16at sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ang dakilang lungsod! Dinamitan ka ng telang gawa sa pinong lino, at mga telang kulay ube at pula, at napalamutian ng ginto, mamahaling bato at perlas!
17Ngunit sa loob lamang ng maikling panahon, nawala ang lahat ng kanyang kayamanan!’ “Tatayo lang at magmamasid ang mga kapitan ng barko at ang mga tripulante nila, pati na ang mga pasahero at ang lahat ng mga naghahanapbuhay sa dagat.
18At habang minamasdan nila ang usok ng nasusunog na lungsod, sisigaw sila, ‘Walang katulad ang sikat na lungsod na iyan!’