Pahayag 19

Pagkatapos nito, narinig ko ang parang dagundong ng napakaraming tao sa langit na sumisigaw: “Purihin ang Panginoon! Purihin ang Diyos nating makapangyarihan, sapagkat siya ang nagligtas sa atin!

Revelation 19:1 (UKJV) And after these things I heard a great voice of much people in heaven, saying, Alleluia; Salvation, and glory, and honour, and power, unto the Lord our God:

1Pagkatapos nito, narinig ko ang parang dagundong ng napakaraming tao sa langit na sumisigaw: “Purihin ang Panginoon! Purihin ang Diyos nating makapangyarihan, sapagkat siya ang nagligtas sa atin!

2Matuwid at tama ang kanyang paghatol. Hinatulan niya ang sikat na babaeng bayaran na nagpasama sa mundo ng kanyang imoralidad. Pinarusahan siya ng Diyos Sapagkat pinatay niya ang mga lingkod ng Diyos.”

3Sinabi nilang muli, “Purihin ang Panginoon! Ang usok ng nasusunog na lungsod ay papailanlang magpakailanman!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.