1Pagkatapos nito, narinig ko ang parang dagundong ng napakaraming tao sa langit na sumisigaw: “Purihin ang Panginoon! Purihin ang Diyos nating makapangyarihan, sapagkat siya ang nagligtas sa atin!
2Matuwid at tama ang kanyang paghatol. Hinatulan niya ang sikat na babaeng bayaran na nagpasama sa mundo ng kanyang imoralidad. Pinarusahan siya ng Diyos Sapagkat pinatay niya ang mga lingkod ng Diyos.”
3Sinabi nilang muli, “Purihin ang Panginoon! Ang usok ng nasusunog na lungsod ay papailanlang magpakailanman!”
4Nagpatirapa ang dalawampuʼt apat na pinuno at ang apat na buháy na nilalang at sumamba sa Diyos na nakaupo sa kanyang trono. Sinabi nila, “Amen! Purihin ang Panginoon!”