Pahayag 19

Pagkatapos, may narinig akong nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na naglilingkod sa kanya nang may takot, dakila man o hindi.”

Revelation 19:5 (UKJV) And a voice came out of the throne, saying, Praise our God, all you his servants, and all of you that fear him, both small and great.

3Sinabi nilang muli, “Purihin ang Panginoon! Ang usok ng nasusunog na lungsod ay papailanlang magpakailanman!”

4Nagpatirapa ang dalawampuʼt apat na pinuno at ang apat na buháy na nilalang at sumamba sa Diyos na nakaupo sa kanyang trono. Sinabi nila, “Amen! Purihin ang Panginoon!”

5Pagkatapos, may narinig akong nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na naglilingkod sa kanya nang may takot, dakila man o hindi.”

6Pagkatapos, muling may narinig ako, parang ingay ng napakaraming tao na parang lagaslas ng talon o dagundong ng malakas na kulog. Ito ang sinasabi, “Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari na ang Panginoon nating Diyos na makapangyarihan sa lahat!

7Magalak tayo at magsaya, at purihin natin siya. Sapagkat dumating na ang oras ng kasal ng Kordero, at nakahanda na ang kanyang nobya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.