Pahayag 19

Pagkatapos, muling may narinig ako, parang ingay ng napakaraming tao na parang lagaslas ng talon o dagundong ng malakas na kulog. Ito ang sinasabi, “Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari na ang Panginoon nating Diyos na makapangyarihan sa lahat!

Revelation 19:6 (UKJV) And I heard as it were the voice of a great multitude, and as the voice of many waters, and as the voice of mighty thunderings, saying, Alleluia: for the Lord God omnipotent reigns.

4Nagpatirapa ang dalawampuʼt apat na pinuno at ang apat na buháy na nilalang at sumamba sa Diyos na nakaupo sa kanyang trono. Sinabi nila, “Amen! Purihin ang Panginoon!”

5Pagkatapos, may narinig akong nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na naglilingkod sa kanya nang may takot, dakila man o hindi.”

6Pagkatapos, muling may narinig ako, parang ingay ng napakaraming tao na parang lagaslas ng talon o dagundong ng malakas na kulog. Ito ang sinasabi, “Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari na ang Panginoon nating Diyos na makapangyarihan sa lahat!

7Magalak tayo at magsaya, at purihin natin siya. Sapagkat dumating na ang oras ng kasal ng Kordero, at nakahanda na ang kanyang nobya.

8Pinagsuot siya ng damit na gawa sa pinong lino, makinang at malinis.” (Ang ibig sabihin ng pinong lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.