5Pagkatapos, may narinig akong nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na naglilingkod sa kanya nang may takot, dakila man o hindi.”
6Pagkatapos, muling may narinig ako, parang ingay ng napakaraming tao na parang lagaslas ng talon o dagundong ng malakas na kulog. Ito ang sinasabi, “Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari na ang Panginoon nating Diyos na makapangyarihan sa lahat!
7Magalak tayo at magsaya, at purihin natin siya. Sapagkat dumating na ang oras ng kasal ng Kordero, at nakahanda na ang kanyang nobya.
8Pinagsuot siya ng damit na gawa sa pinong lino, makinang at malinis.” (Ang ibig sabihin ng pinong lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.)
9At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga inimbitahan sa handaan sa kasal ng Kordero.” At sinabi pa niya, “Totoo ang mga sinasabing ito ng Diyos.”