7Magalak tayo at magsaya, at purihin natin siya. Sapagkat dumating na ang oras ng kasal ng Kordero, at nakahanda na ang kanyang nobya.
8Pinagsuot siya ng damit na gawa sa pinong lino, makinang at malinis.” (Ang ibig sabihin ng pinong lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.)
9At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga inimbitahan sa handaan sa kasal ng Kordero.” At sinabi pa niya, “Totoo ang mga sinasabing ito ng Diyos.”
10Nagpatirapa ako sa paanan niya upang sumamba sa kanya. Ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mo akong sambahin! Sapagkat alipin din ako ng Diyos tulad mo at ng mga kapatid mong sumusunod sa mga katotohanang itinuro ni Hesus. Ang Diyos ang sambahin mo! Sapagkat ang mga katotohanang itinuro ni Hesus ang diwa ng mga propesiya.”
11Pagkatapos, nakita kong nabuksan ang langit, at may puting kabayo na nakatayo roon. Ang nakasakay ay tinatawag na Tapat at Totoo. Sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma.