Pahayag 19

Nagpatirapa ako sa paanan niya upang sumamba sa kanya. Ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mo akong sambahin! Sapagkat alipin din ako ng Diyos tulad mo at ng mga kapatid mong sumusunod sa mga katotohanang itinuro ni Hesus. Ang Diyos ang sambahin mo! Sapagkat ang mga katotohanang itinuro ni Hesus ang diwa ng mga propesiya.”

Revelation 19:10 (UKJV) And I fell at his feet to worship him. And he said unto me, See you do it not: I am your fellow servant, and of your brethren that have the testimony of Jesus: worship God: for the testimony of Jesus is the spirit of prophecy.

8Pinagsuot siya ng damit na gawa sa pinong lino, makinang at malinis.” (Ang ibig sabihin ng pinong lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.)

9At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga inimbitahan sa handaan sa kasal ng Kordero.” At sinabi pa niya, “Totoo ang mga sinasabing ito ng Diyos.”

10Nagpatirapa ako sa paanan niya upang sumamba sa kanya. Ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mo akong sambahin! Sapagkat alipin din ako ng Diyos tulad mo at ng mga kapatid mong sumusunod sa mga katotohanang itinuro ni Hesus. Ang Diyos ang sambahin mo! Sapagkat ang mga katotohanang itinuro ni Hesus ang diwa ng mga propesiya.”

11Pagkatapos, nakita kong nabuksan ang langit, at may puting kabayo na nakatayo roon. Ang nakasakay ay tinatawag na Tapat at Totoo. Sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma.

12Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata at maraming korona ang nasa ulo niya. May nakasulat na pangalan sa kanya, na siya lang ang nakakaalam kung ano ang kahulugan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.