Pahayag 19

Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata at maraming korona ang nasa ulo niya. May nakasulat na pangalan sa kanya, na siya lang ang nakakaalam kung ano ang kahulugan.

Revelation 19:12 (UKJV) His eyes were as a flame of fire, and on his head were many crowns; and he had a name written, that no man knew, but he himself.

10Nagpatirapa ako sa paanan niya upang sumamba sa kanya. Ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mo akong sambahin! Sapagkat alipin din ako ng Diyos tulad mo at ng mga kapatid mong sumusunod sa mga katotohanang itinuro ni Hesus. Ang Diyos ang sambahin mo! Sapagkat ang mga katotohanang itinuro ni Hesus ang diwa ng mga propesiya.”

11Pagkatapos, nakita kong nabuksan ang langit, at may puting kabayo na nakatayo roon. Ang nakasakay ay tinatawag na Tapat at Totoo. Sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma.

12Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata at maraming korona ang nasa ulo niya. May nakasulat na pangalan sa kanya, na siya lang ang nakakaalam kung ano ang kahulugan.

13Ang suot niyang damit ay inilubog sa dugo. At ang tawag sa kanya ay Salita ng Diyos.

14Sinusundan siya ng mga sundalo mula sa langit. Nakasakay din sila sa mga puting kabayo, at ang mga damit nila ay gawa sa pinong lino, puting-puti at malinis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.