Pahayag 19

Sinusundan siya ng mga sundalo mula sa langit. Nakasakay din sila sa mga puting kabayo, at ang mga damit nila ay gawa sa pinong lino, puting-puti at malinis.

Revelation 19:14 (UKJV) And the armies which were in heaven followed him upon white horses, clothed in fine linen, white and clean.

12Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata at maraming korona ang nasa ulo niya. May nakasulat na pangalan sa kanya, na siya lang ang nakakaalam kung ano ang kahulugan.

13Ang suot niyang damit ay inilubog sa dugo. At ang tawag sa kanya ay Salita ng Diyos.

14Sinusundan siya ng mga sundalo mula sa langit. Nakasakay din sila sa mga puting kabayo, at ang mga damit nila ay gawa sa pinong lino, puting-puti at malinis.

15Mula sa bibig niya ay lumalabas ang matalas na espada na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. “At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal.” Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

16Sa damit at sa hita niya ay may pangalang nakasulat: Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.