Pahayag 19

Mula sa bibig niya ay lumalabas ang matalas na espada na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. “At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal.” Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Revelation 19:15 (UKJV) And out of his mouth goes a sharp sword, that with it he should strike the nations: and he shall rule them with a rod of iron: and he treads the winepress of the fierceness and wrath of Almighty God.

13Ang suot niyang damit ay inilubog sa dugo. At ang tawag sa kanya ay Salita ng Diyos.

14Sinusundan siya ng mga sundalo mula sa langit. Nakasakay din sila sa mga puting kabayo, at ang mga damit nila ay gawa sa pinong lino, puting-puti at malinis.

15Mula sa bibig niya ay lumalabas ang matalas na espada na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. “At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal.” Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

16Sa damit at sa hita niya ay may pangalang nakasulat: Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.

17Pagkatapos, nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw. Sumigaw siya sa mga ibong lumilipad sa himpapawid, “Halikayo! Magtipon kayo para sa malaking handaan ng Diyos!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.