8“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Esmirna: “Ito ang mensahe niya na siyang Simula at Katapusan, na namatay ngunit muling nabuhay.
9“Alam ko ang pagtitiis ninyo at alam ko ring mahirap kayo. Ngunit ang totooʼy mayaman kayo! Alam kong hinahamak kayo ng mga taong nagsasabing mga Hudyo sila ngunit hindi naman totoo, dahil mga kampon sila ni Satanas.
10Huwag kayong matakot sa mga paghihirap na dadanasin ninyo. Tandaan ninyo: Ipabibilanggo ni Satanas ang ilan sa inyo para subukin kayo. Makakaranas kayo ng pang-uusig sa loob ng sampung araw. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan ko kayo ng buhay bilang korona ng tagumpay.
11“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. “Ang magtatagumpay ay hindi mapaparusahan ng ikalawang kamatayan.
12“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Pergamo: “Ito ang mensahe ng may hawak ng espadang matalas at may magkabilang talim.