10Huwag kayong matakot sa mga paghihirap na dadanasin ninyo. Tandaan ninyo: Ipabibilanggo ni Satanas ang ilan sa inyo para subukin kayo. Makakaranas kayo ng pang-uusig sa loob ng sampung araw. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan ko kayo ng buhay bilang korona ng tagumpay.
11“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. “Ang magtatagumpay ay hindi mapaparusahan ng ikalawang kamatayan.
12“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Pergamo: “Ito ang mensahe ng may hawak ng espadang matalas at may magkabilang talim.
13“Alam kong kahit nakatira kayo sa lugar na pinaghaharian ni Satanas ay nananatili pa rin kayong tapat sa akin. Sapagkat hindi kayo tumalikod sa pananampalataya ninyo sa akin, kahit noong patayin si Antipas na tapat kong saksi dʼyan sa lugar na tirahan ni Satanas.
14Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: May ilan sa inyo na sumusunod sa mga aral ni Balaam. Si Balaam ang nagturo kay Balak kung paano udyukan ang mga Israelita na magkasala sa pamamagitan ng pagkain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan at sa pamamagitan ng paggawa ng seksuwal na imoralidad.