Pahayag 2

Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: May ilan sa inyo na sumusunod sa mga aral ni Balaam. Si Balaam ang nagturo kay Balak kung paano udyukan ang mga Israelita na magkasala sa pamamagitan ng pagkain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan at sa pamamagitan ng paggawa ng seksuwal na imoralidad.

Revelation 2:14 (UKJV) But I have a few things against you, because you have there them that hold the doctrine of Balaam, who taught Balac to cast a stumbling block before the children of Israel, to eat things sacrificed unto idols, and to commit fornication.

12“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Pergamo: “Ito ang mensahe ng may hawak ng espadang matalas at may magkabilang talim.

13“Alam kong kahit nakatira kayo sa lugar na pinaghaharian ni Satanas ay nananatili pa rin kayong tapat sa akin. Sapagkat hindi kayo tumalikod sa pananampalataya ninyo sa akin, kahit noong patayin si Antipas na tapat kong saksi dʼyan sa lugar na tirahan ni Satanas.

14Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: May ilan sa inyo na sumusunod sa mga aral ni Balaam. Si Balaam ang nagturo kay Balak kung paano udyukan ang mga Israelita na magkasala sa pamamagitan ng pagkain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan at sa pamamagitan ng paggawa ng seksuwal na imoralidad.

15At may ilan din sa inyo na sumusunod sa mga aral ng mga Nicolaita.

16Kaya magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan! Sapagkat kung hindi, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon at kakalabanin ko sila sa pamamagitan ng espadang lumalabas sa aking bibig.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.