Pahayag 2

“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Esmirna: “Ito ang mensahe niya na siyang Simula at Katapusan, na namatay ngunit muling nabuhay.

Revelation 2:8 (UKJV) And unto the angel of the church in Smyrna write; These things says the first and the last, which was dead, and is alive;

6Ngunit ito ang gusto ko sa inyo: Kinasusuklaman ninyo ang mga ginagawa ng mga Nicolaita, na kinasusuklaman ko rin.

7“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. “Ang magtatagumpay ay pahihintulutan kong kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang punong ito ay nasa paraiso ng Diyos.

8“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Esmirna: “Ito ang mensahe niya na siyang Simula at Katapusan, na namatay ngunit muling nabuhay.

9“Alam ko ang pagtitiis ninyo at alam ko ring mahirap kayo. Ngunit ang totooʼy mayaman kayo! Alam kong hinahamak kayo ng mga taong nagsasabing mga Hudyo sila ngunit hindi naman totoo, dahil mga kampon sila ni Satanas.

10Huwag kayong matakot sa mga paghihirap na dadanasin ninyo. Tandaan ninyo: Ipabibilanggo ni Satanas ang ilan sa inyo para subukin kayo. Makakaranas kayo ng pang-uusig sa loob ng sampung araw. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan ko kayo ng buhay bilang korona ng tagumpay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.