5Alalahanin ninyo ang inyong kinalagyan bago kayo nahulog. Magsisi na kayo sa mga kasalanan ninyo at gawin nang muli ang dati ninyong ginagawa. Kung hindi, pupuntahan ko kayo at kukunin ang inyong ilawan.
6Ngunit ito ang gusto ko sa inyo: Kinasusuklaman ninyo ang mga ginagawa ng mga Nicolaita, na kinasusuklaman ko rin.
7“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. “Ang magtatagumpay ay pahihintulutan kong kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang punong ito ay nasa paraiso ng Diyos.
8“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Esmirna: “Ito ang mensahe niya na siyang Simula at Katapusan, na namatay ngunit muling nabuhay.
9“Alam ko ang pagtitiis ninyo at alam ko ring mahirap kayo. Ngunit ang totooʼy mayaman kayo! Alam kong hinahamak kayo ng mga taong nagsasabing mga Hudyo sila ngunit hindi naman totoo, dahil mga kampon sila ni Satanas.