Pahayag 2

“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Tiatira: “Ito ang mensahe ng Anak ng Diyos, na ang mga mataʼy nagliliyab tulad ng apoy at ang mga paaʼy nagniningning tulad ng pinakintab na tanso.

Revelation 2:18 (UKJV) And unto the angel of the church in Thyatira write; These things says the Son of God, who has his eyes like unto a flame of fire, and his feet are like fine brass;

16Kaya magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan! Sapagkat kung hindi, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon at kakalabanin ko sila sa pamamagitan ng espadang lumalabas sa aking bibig.”

17“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. “Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng ilan sa mga nakatagong manna. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na may nakasulat na bagong pangalan na walang ibang nakakaalam kundi ang makakatanggap nito.

18“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Tiatira: “Ito ang mensahe ng Anak ng Diyos, na ang mga mataʼy nagliliyab tulad ng apoy at ang mga paaʼy nagniningning tulad ng pinakintab na tanso.

19“Alam ko ang mga ginagawa ninyo. Alam ko na mapagmahal kayo, matapat, masigasig maglingkod at matiyaga. Alam ko rin na higit pa ang ginagawa ninyo ngayon kaysa sa noong una.

20“Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: Hinahayaan lang ninyong magturo ang babaeng si Jezebel na nagpapanggap na propeta. Nililinlang niya ang mga taong naglilingkod sa akin at hinihikayat na gumawa ng seksuwal na imoralidad at kumain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.