17“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. “Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng ilan sa mga nakatagong manna. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na may nakasulat na bagong pangalan na walang ibang nakakaalam kundi ang makakatanggap nito.
18“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Tiatira: “Ito ang mensahe ng Anak ng Diyos, na ang mga mataʼy nagliliyab tulad ng apoy at ang mga paaʼy nagniningning tulad ng pinakintab na tanso.
19“Alam ko ang mga ginagawa ninyo. Alam ko na mapagmahal kayo, matapat, masigasig maglingkod at matiyaga. Alam ko rin na higit pa ang ginagawa ninyo ngayon kaysa sa noong una.
20“Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: Hinahayaan lang ninyong magturo ang babaeng si Jezebel na nagpapanggap na propeta. Nililinlang niya ang mga taong naglilingkod sa akin at hinihikayat na gumawa ng seksuwal na imoralidad at kumain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan.
21Binigyan ko siya ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kanyang imoralidad, ngunit ayaw niya.