Pahayag 2

“Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: Hinahayaan lang ninyong magturo ang babaeng si Jezebel na nagpapanggap na propeta. Nililinlang niya ang mga taong naglilingkod sa akin at hinihikayat na gumawa ng seksuwal na imoralidad at kumain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan.

Revelation 2:20 (UKJV) Notwithstanding I have a few things against you, because you suffer that woman Jezebel, which calls herself a prophetess, to teach and to seduce my servants to commit fornication, and to eat things sacrificed unto idols.

18“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Tiatira: “Ito ang mensahe ng Anak ng Diyos, na ang mga mataʼy nagliliyab tulad ng apoy at ang mga paaʼy nagniningning tulad ng pinakintab na tanso.

19“Alam ko ang mga ginagawa ninyo. Alam ko na mapagmahal kayo, matapat, masigasig maglingkod at matiyaga. Alam ko rin na higit pa ang ginagawa ninyo ngayon kaysa sa noong una.

20“Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: Hinahayaan lang ninyong magturo ang babaeng si Jezebel na nagpapanggap na propeta. Nililinlang niya ang mga taong naglilingkod sa akin at hinihikayat na gumawa ng seksuwal na imoralidad at kumain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosan.

21Binigyan ko siya ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kanyang imoralidad, ngunit ayaw niya.

22Makinig kayo! Bibigyan ko siya ng karamdaman hanggang sa hindi na siya makabangon sa higaan. Parurusahan ko siya nang matindi pati ang mga nakipagrelasyon sa kanya, kung hindi sila magsisisi sa kanilang kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.