26“Sa mga magtatagumpay at patuloy na sumusunod sa kalooban ko hanggang sa wakas, bibigyan ko sila ng kapangyarihang mamahala sa mga bansa,
27tulad ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng aking Ama. Mamamahala sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin nila ang mga bansa gaya ng pagdurog sa palayok.
28At ibibigay ko rin sa kanila ang tala sa umaga.
29“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.”