Pahayag 2

Tiniis ninyo ang mga paghihirap dahil sa pananampalataya ninyo sa akin, at hindi kayo nanghina.

Revelation 2:3 (UKJV) And have borne, and have patience, and for my name's sake have laboured, and have not fainted.

1“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Efeso: “Ito ang mensahe ng may hawak ng pitong bituin sa kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto.

2“Batid ko ang mga ginagawa ninyo pati ang inyong mga pagsisikap at pagtitiyaga. Alam ko rin na hindi ninyo kinukunsinti ang masasamang tao. Siniyasat ninyo ang mga nagpapanggap na apostol, at napatunayan ninyong silaʼy mga sinungaling.

3Tiniis ninyo ang mga paghihirap dahil sa pananampalataya ninyo sa akin, at hindi kayo nanghina.

4“Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: Tinalikuran ninyo ang una ninyong pag-ibig.

5Alalahanin ninyo ang inyong kinalagyan bago kayo nahulog. Magsisi na kayo sa mga kasalanan ninyo at gawin nang muli ang dati ninyong ginagawa. Kung hindi, pupuntahan ko kayo at kukunin ang inyong ilawan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.